Ang browser kung saan ikaw ang inuuna
Mag-block ng mga ad. Makatipid ng data. At makakuha ng mas mabibilis na webpage. Sa pagpapalit lang ng iyong browser.
Kunin ang BraveBuilt-in na AI assistant
Makakuha ng mga sagot, mag-generate ng content, at marami pa. Sa browser mismo.
Malakas na VPN
Protektahan ang bawat app, sa buong device mo.
Ano ba ang itsura ng user-first na Web?
Mas magandang privacy. Mas mabibilis na webpage. Mas madaling navigation. At mga karanasan na inuuna ang mga tao kaysa sa kita ng tech company.
Ang “Web” na walang abala
Bina-block ng Brave ang mga third-party ad sa bawat website. Iyon ay ang mga video ad, search ad, social media ad, at marami pa.
At ang mga nakakainis na pop-up na “Accept cookies?”? Oo, na-block din namin ang mga iyon.
Makatipid sa data, makatipid sa baterya, at makatipid sa oras
Kapag wala ang basurang iyon, makakatipid ka ng Wi-Fi bandwidth at mobile data, baterya at CPU. At naglo-load ang mga website nang 3x-6x na mas mabilis. Mas maikling paghihintay = mas maraming oras sa ibang bagay.
Walang kapantay na privacy
Pinipigilan ang tracking at fingerprinting. May premium na VPN na kayang i-encrypt ang bawat koneksyon kahit nasaan ka. On-by-default na Global Privacy Control para pigilan ang mga website sa pagbebenta at pagbabahagi ng iyong data.
Lahat ng ito (at marami pa) sa isang di-kapani-paniwalang package.
Built-in na security, nak-on bilang default
Puwede na agad gamitin ang Brave. Walang dial na kailangang galawin, walang extension, hindi kailangan ang PhD.
Madali lang lumipat
60 segundo lang sa isang mas mabilis, mas private, mas hindi nakakainis na Web.
I-download lang ang Brave, i-import ang mga paborito mula sa luma mong browser, at… Tapos ka na!
Isang Web na may mas kaunting ad
Tingnan ang iba pang sikat na mga site sa Brave kumpara sa ibang mga browser. Nakikita mo ba ang pagkakaiba?
I-grab ang slider para makita ang pagkakaiba sa pagitan ng Brave at iba pang mga browser
![brave](/static-assets/images/optimized/home-assets/images/desktop-brave-dailymail.png)
![chrome](/static-assets/images/optimized/home-assets/images/desktop-chrome-dailymail.png)
![brave](/static-assets/images/optimized/home-assets/images/mobile-brave-allrecipes.jpg)
![chrome](/static-assets/images/optimized/home-assets/images/mobile-chrome-allrecipes.jpg)
![brave](/static-assets/images/optimized/home-assets/images/desktop-brave-dailymail.png)
![edge](/static-assets/images/optimized/home-assets/images/desktop-edge-dailymail.png)
![brave](/static-assets/images/optimized/home-assets/images/mobile-brave-allrecipes.jpg)
![edge](/static-assets/images/optimized/home-assets/images/mobile-edge-allrecipes.jpg)
![brave](/static-assets/images/optimized/home-assets/images/desktop-brave-dailymail.png)
![firefox](/static-assets/images/optimized/home-assets/images/desktop-firefox-dailymail.png)
![brave](/static-assets/images/optimized/home-assets/images/mobile-brave-allrecipes.jpg)
![firefox](/static-assets/images/optimized/home-assets/images/mobile-firefox-allrecipes.jpg)
![brave](/static-assets/images/optimized/home-assets/images/desktop-brave-dailymail.png)
![safari](/static-assets/images/optimized/home-assets/images/desktop-safari-dailymail.png)
![brave](/static-assets/images/optimized/home-assets/images/mobile-brave-allrecipes.jpg)
![safari](/static-assets/images/optimized/home-assets/images/mobile-safari-allrecipes.jpg)
Nananalo sa privacy, pagganap, at mga feature
Tingnan kung paano ikukumpara ang Brave laban sa ibang browser gamit ang mga in-depth na pagkukumparang ito.
Brave kumpara sa Chrome
Pagdating sa privacy at pagganap, nahuhuli ang Chrome kumpara sa Brave.
Brave kumpara sa Firefox
Dating madalas gamitin, bumagsak ang Firefox sa gitna ng grupo bilang alternatibo sa Big Tech.
Brave Search kumpara sa Google
Masyadong maraming data ang kinukuha ng pinakasikat sa mundong paghahanap, at inuuna ang mga ad kaysa sa mga sagot.
Brave Search kumpara sa DuckDuckGo
Isang "alternative" na search engine na sa totoo ay pinapatakbo ng Microsoft Bing.
Ang browser na tumutulong sa iyong mag-save ng oras, hindi ng iyong personal na impormasyon
I-download ang Brave para sa Android, iOS, Linux, macOS, o Windows
Kunin ang BraveHayaang paganahin ng Brave ang negosyo mo:
Mga FAQ
Ligtas ba ang Brave Browser?
Isa sa pinakaligtas na mga browser sa market ngayon ang Brave. Bina-block nito ang mga ad at tracker na privacy-invasive. Bina-block nito ang data storage ng third-party. Pinipigilan nito ang browser fingerprinting. Ina-upgrade nito ang bawat webpage na posible para ma-secure ang mga https na koneksyon. At ginagawa nito ang lahat nang default.
Gawa rin ito sa open-source na Chromium Web core, na nagpapatakbo sa mga browser na ginagamit ng bilyon-bilyong taon sa buong mundo. Walang-duda na mas nasuri ang source code na ito ng mas maraming security researcher kaysa sa ibang browser. Sa maikli, hindi lang ligtas gamitin ang Brave, mas ligtas ito kumpara sa halos alinmang ibang browser. Alamin ang higit pa.
Paano ko ida-download at ii-install ang Brave?
Available ang Brave sa halos lahat ng mga desktop computer (Windows, macOS, Linux) at halos lahat ng mobile device (Android at iOS). Para magsimula, i-download lang ang Brave browser para sa desktop, para sa Android, o para sa iOS.
May VPN ba ang Brave?
Oo! Pinoprotektahan ng Brave Firewall + VPN ang lahat ng ginagawa mo online, sa lahat ng device mo, kahit pa sa labas ng Brave Browser. Puwede sa 5 device ang isang subscription, sa Android, iOS at desktop.
Bina-block ba ng Brave ang mga ad sa YouTube?
Oo, kaya ng Brave browser na mag-block ng mga ad sa mga video site gaya ng YouTube. Kasama rito ang mga on-page ad, pre-roll at mid-roll ad, end-card ad, at marami pa. Sa pamamagitan ng pag-block sa mga ad, makakakuha ka ng mas magandang karanasan at mas mabilis na pag-load ng video. Alamin pa ang tungkol sa YouTube ad blocking ng Brave.
Ano ang Brave Search engine?
Ang Brave Search ay ang private, independent na search engine na default para sa karamihan ng mga bagong user ng Brave browser. Available din ito sa ibang browser sa search.brave.com. Nagbibigay ang Brave Search ng mabilis, tumpak na mga resulta mula sa sarili nitong independent na index ng Web, at nagbibigay ng natatanging mga feature tulad ng poweful na AI-answer engine. Hindi kagaya ng ibang mga search engine, hindi ka pino-profile ng Brave Search; hindi nito kayang ibahagi, ibenta, o iwala ang personal mong data, dahil hindi naman ito kinokolekta. Alamin pa ang tungkol sa Brave Search.
Sa anong mga wika available ang Brave?
Available ang Brave Browser sa halos 160 wika sa kabuuan, kasama ang apat na iba’t ibang diyalekto ng Chinese. Kasalukuyang available ang Brave Search sa halos 20 iba’t ibang wika, na may support sa mas marami pang pinaplanong mga wika.
Sino ang may-ari ng Brave?
Ang Brave Browser, Brave Search, at lahat ng iba’t ibang feature ay ginawa ng Brave Software Inc, isang independent, privately-held na kumpanya. Walang obligasyon ang Brave sa anumang ibang tech company, at nagsisikap araw-araw para labanan ang hindi magagandang pag-abuso ng Big Tech. May Brave para tumulong sa mga totoong tao, hindi tech company na hindi nakikilala.
Open source ba ang Brave?
Oo. Ang Brave Browser ay ginawa batay sa open-source na Chromium Web core at ang aming sariling client code ay ni-release sa ilalim ng Mozilla Public License 2.0.
Paano naiiba ang Brave sa Chrome?
Ibig sabihin, ang Brave Browser ay 3x na mas mabilis kaysa Google Chrome. Sa pamamagitan ng pag-block sa mga ad at tracker na privacy-invading bilang default, mas kaunti ang kailangang i-load sa bawat webpage na bibisitahin mo. Nangangahulugan iyon na mas mabilis maglo-load ang mga page, na nakakatipid sa iyo ng oras, pera, at baterya. Nangangahulugan din itong mas ligtas ka online. Alamin ang higit pa.
Libre ba ang Brave?
Oo, libre lang talagang gamitin ang Brave. I-download lang ang Brave browser para sa desktop, para sa Android, o para sa iOS para magsimula. Puwede mo ring gamitin ang Brave Search free sa anumang browser sa search.brave.com, o i-set ito bilang default na search engine mo.
May ilang maganda, subscription-based na mga feature ang Brave, kabilang ang Brave Talk Premium at Brave Firewall + VPN.
Ano ang BAT, at paano ako kikita nito?
Ang ibig sabihin ng BAT ay Basic Attention Token. Digital asset ang BAT, at mahalaga (pero opsyonal) na bahagi ng ecosystem ng Brave Rewards. Ganito iyon gumagana:
Binibigyan ka ng Brave Rewards ng opsyon na i-view ang first-party, privacy-protecting ads habang nagba-browse ka (galing ang mga ad na ito sa Brave Private Ads network). Kung pipiliin mong i-view ang mga ito, makakakuha k ang BAT sa pamamagitan ng Brave Rewards program.
Puwede mong kunin ang BAT tulad ng anumang ibang digital asset, o gamitin ito para bigyan ng tip ang mga content publisher na gusto mo. Binibigyan ka pa ng Brave ng secure na paraan para i-store ang BAT (at anumang ibang asset), gamit ang Brave Wallet. At, inuulit ko, opsyonal na program ang Brave Rewards.
Ninanakaw ng ibang mga tech company ang iyong data para magbenta ng mga ad—para sa kanila, ikaw ang produkto. Iba ang Brave. Para sa amin, mahalaga (at private!) ang atensyon mo, at nakakakuha ka dapat ng patas na bahagi ng kita para sa anumang advertising na pipiliin mong i-view. Inire-reward na BAT ang patas na bahaging iyon.