Brave Wallet

Ligtas na multi-chain crypto wallet. Walang kinakailangang extension.

Pagkatapos ng onboarding, i-click ang Wallet icon sa toolbar para magsimula.

Pagkatapos ng onboarding, i-tap ang menu sa browser, at i-tap ang Wallet icon para magsimula.

Brave Browser Screenshot

Secure bilang default

Ang Brave Wallet ay ang kauna-unahang secure na crypto wallet na naka-built in mismo sa browser. Walang kailangang extension, walang karagdagang hakbang. Ibig sabihin, hindi gaanong vulnerable sa mga pekeng bersyon ng app, phishing, at pagnanakaw.

Napakahusay na performance

Bumabagal ang iyong device dahil sa mga extension. Dahil naka-built in mismo sa browser ang Brave Wallet, walang kailangang karagdagang proseso para patakbuhin ito, at mas maliit na CPU at memory ang ginagamit nito sa device mo.

Bumili, mag-store, magpadala, at mag-swap

I-store, i-manage, at palaguin ang lahat ng crypto portfolio mo sa isang wallet. Bumili gamit ang fiat, sa pamamagitan ng Ramp Network o Wyre. At hanapin nang madali ang pinakamainam na presyong tugma sa listahan ng mga provider, na may kasamang built-in at multi-chain na Brave Swap functionality.

  • Ang wallet super app

    Sinusuportahan ang NFT at multi-chain. Native na kumonekta sa iba pang Web3 DApp, nang hindi nag-i-install ng mga extension sa browser.

  • Mag-import ng iba pang wallet

    Mga Metamask at self-custody wallet, o ang mga hardware wallet tulad ng Trezor at Ledger (hindi kailangan ng Ledger Live).

  • Kinuha sa CoinGecko sa pamamagitan ng kanilang API

    Mamuhunan nang mahusay sa pamamagitan ng live at dating data ng market, at makakita ng potensyal sa paglago para sa daan-daang crypto asset.

Kumusta ang Brave Wallet kumpara sa iba?

Mga built-in na feature

Brave logo Brave
MetaMask logo MetaMask

Bumili, mag-store, magbenta ng mga token sa Ethereum at Solana

I-swap ang mga token sa Ethereum

Native sa browser (walang kailangang extension)

Libreng lisensya

Sinusuportahan ang Ledger at Trezor

Live na data ng market (naka-integrate ang CoinGecko)

Walang karagdagang proseso sa o memory ng device na kailangang gamitin

Network na compatible sa SPL

Suporta sa network na compatible sa EVM (Polygon, xDal, Avalanche, atbp.)*

Subukan ang Brave Wallet ngayon

Pagkatapos ng onboarding, i-click ang Wallet icon sa toolbar para magsimula.

I-click ang sa toolbar para magsimula. Hindi ito makita? I-click ang I-update sa toolbar para sa pinakabagong bersyon ng Brave.

Pagkatapos ng onboarding, i-tap ang menu sa browser, at i-tap ang Wallet icon para magsimula.

I-tap ang menu sa browser, at i-tap ang Wallet icon para magsimula. Hindi ito makita? Mag-update sa pinakabagong bersyon ng Brave sa Play Store App Store.

Mga FAQ tungkol sa Brave Wallet

  • Seguridad: Karamihang browser extension ang mga crypto wallet. May kaakibat na mga panganib sa seguridad ang mga extension na ito, at mas suseptibo sa account spoofing at asset theft. Nangangailangan din ang mga extension ng dagdag na CPU para gumana, na siyang magpapatakbo sa device mo. Sa kabilang banda, native sa browser ang Brave Wallet. Sa Brave Wallet, mas kakaunti ang tsansa ng panganib sa account spoofing, phishing, at iba pang scam. Ilang CPU lang ang kinakailangan para gumana ito at mas mahusay at maaasahan. Multi-chain: Maaaring bumili ang mga user ng Brave wallet, tumanggap, at magpadala ng mga crypto asset sa iba’t ibang chain, kabilang na ang Ethereum, EVM compatible chain, at Solana. Puwede mo ring ikonekta ang iba pang self-custody o hardware wallet, panoorin ang live market data, at i-manage ang lahat ng portfolio mo sa isang lugar. Puwede ring magpalit ng mga asset ang mga holders ng Ethereum, Polygon, Binance Smart Chain, Avalanche, Celo, at Optimism at gamitin ang Web3 DApps (paparating na para sa mga holder ng Solana).
  • Oo, kailangan mo ang pribadong browser ng Brave para magamit ang Brave Wallet. I-download ngayon.
  • Oo, libreng-libre na gamitin ang Brave Wallet. Gayunpaman, ang mga transaksyon (tulad ng mga pagpapadala o pag-swap) ay mangangailangan ng mga gas fee, at posibleng may karagdagang fee sa transaksyon ang mga pag-swap. Ang mga fee na ito ay katulad ng—o pareho sa—iba pang crypto wallet.
  • Para magsimula sa Brave Wallet sa desktop, buksan ang Brave Browser at i-click ang icon na Wallet icon sa toolbar. Para magsimula sa Brave Wallet sa mobile, buksan ang menu sa browser at pagkatapos ay i-tap ang icon na Wallet icon.

    Kung hindi mo nakikita ang icon na wallet, mag-update muna sa pinakabagong bersyon ng Brave.

  • Suportado ng Brave Wallet ang Ethereum, EVM compatible chain sa L2s, at Solana. Maaaring isagawa ang Brave Swaps sa Avalanche, Binance Smart Chain, Celo, Fantom, Optimism, at Polygon.
  • Oo. Hindi gaya ng iba pang wallet, ang Brave Wallet ay ginawa na may libreng lisensya sa MPL. Ibig sabihin, malaya ang iba na gamitin at i-fork ito, at mag-ambag dito.
  • Ang Brave Wallet ay available sa desktop at mobile, na may parehong kinakailangan sa pagpapatakbo gaya ng Brave Browser.

    Tandaan na ang mga inisyal na bersyon ng Wallet sa mobile ay posibleng hindi sumusuporta sa mga DApp o mga custom na network (na compatible sa EVM) . Gayunpaman, ia-update namin ang Wallet para sa mobile nang paunti-unti at malapit na itong maging pareho, kaya madalas na bumalik-balik.

    Tandaan din na ang biometrics (fingerprint) para buksan ang Brave Wallet ay sinusuportahan sa iOS at sa Android P at mas bago.

  • Sa ngayon, hindi available para sa Brave Wallet ang pag-sync sa pagitan ng mga device. Gayunpaman, umaasa kaming malapit nang maging available ang functionality na pag-sync. Bumalik para sa higit pang impormasyon.
  • Konektado ang Brave Rewards sa Brave Private Ads. Makikita ng mga user ng Brave Browser na nag-opt in sa Brave Rewards ang mga privacy-preserving at first-party ad sa ilang partikular na lokasyon habang nagba-browse sila. Sa pamamagitan ng panunood sa mga ad na ito, puwedeng makakuha ng crypto token ang mga user na tinatawag na Basic Attention Token (BAT). Isang tool ang Brave Wallet na nagbibigay-daan sa iyong bumili, mag-store, magpadala, at mag-swap ng anumang crypto asset at NFT, ikonekta ang iba pang wallet at Web3 DApps, at i-manage ang buong crypto portfolio mo. Hindi ka puwedeng direktang mag-transfer ng Brave Rewards sa Brave Wallet. Gayunpaman, puwede mong ilipat ang mga pondo ng Brave Rewards sa Uphold, Gemini, o BitFlyer at mag-withdraw doon papunta sa Brave Wallet.
  • Ang naunang crypto wallet ng Brave ay isang fork ng MetaMask. Ang bagong Brave Wallet ay ginawa mismo ng engineering team ng Brave, at ginawang built-in sa Brave Browser.
  • Hindi available ang Brave Wallet bilang extension sa browser. Walang plano ang Brave na gumawa ng wallet na extension, kaya kung may makikita kang ganito, dapat mo itong ituring na mapanloko at hindi mo dapat ito i-download o i-install.
close
close

Malapit na…

60 segundo lang para magkaroon ka ng pinakamahigpit na privacy online

Kung hindi awtomatikong nagsimula ang iyong download, .

  1. I-download ang Brave

    I-click ang “I-save” sa window na magpa-pop up, at hintaying matapos ang download.

    Hintaying makumpleto ang pag-download (pwedeng kailanganin mong i-click ang “I-save” sa isang window na nagpa-pop up).

  2. Patakbuhin ang installer

    I-click ang na-download na file sa kaliwang bahagi sa ibaba ng iyong screen, at sundin ang mga instruction para i-install ang Brave.

    I-click ang na-download na file sa kanang bahagi sa itaas ng iyong screen, at sundin ang mga instruction para i-install ang Brave.

    I-click ang na-download na file, at sundin ang mga instruction para i-install ang Brave.

  3. I-import ang mga setting

    Habang nagse-set up, i-import ang mga bookmark, extension, at password mula sa iyong dating browser.

Kailangan ng tulong?

Makakuha ng mas mahigpit na privacy. Kahit saan!

I-download ang Brave mobile para sa privacy na on the go.

Download QR code
Brave logo I-click ang file na ito para i-install ang Brave
I-click ang file na ito para i-install ang Brave Brave logo