Mga Reward ng Brave
Makakuha ng mga token para lang sa pag-browse. Gamitin ang mga ito para sa halos kahit na anong bagay: Mga cash na gift card. Crypto. Mga tip sa mga website at content creator na gustong-gusto mo. At higit pa.
Kunin ang BravePagkatapos ng onboarding, i-click ang sa address bar ng Brave Browser para magsimula.
I-click ang sa address bar ng Brave Browser para magsimula.
Pagkatapos ng onboarding, i-tap ang sa address bar ng Brave Browser para magsimula.
I-tap ang sa address bar ng Brave Browser para magsimula.
Ang Brave Rewards ay limitado sa mga iOS device (alamin kung bakit). Para magsimula sa desktop o Android, i-click o i-tap ang sa address bar ng Brave Browser.
Nagbabago ang lumang paraan…
Sa karamihan ng mga browser, ang Internet ay punong-puno ng mga ad na gumagamit ng maraming data. Ang mga ito ay nagpapabagal sa mga website, nakakaantala sa ginagawa mo, at nagta-track sa iyo sa web. Ngunit may magagawa ba tungkol dito? Ang mga hindi kanais-nais na ad ang kapalit ng pagiging online, ‘di ba?
Hindi na.
Default na privacy.
Mga opsyonal na reward.
Bilang default, inaalis ng Brave Browser ang lahat ng hindi kanais-nais na ad at tracker sa bawat web page na binibisita mo. At nagbibigay ito sa iyo ng opsyong makita ang Brave Private Ads.
Kung gagawin mo ito, bibigyan ka ng reward na Basic Attention Tokens (BAT). Kung hindi, ayos lang iyon! Palaging libre at pribado ang Brave Browser.
Hindi tulad ng mga Big Tech ad, hindi nilalabag ng Brave Ads ang privacy mo. Hinding-hindi lalabas sa iyong device ang data mo.
Ano ang hitsura ng Brave Ads?
Isang magandang larawan sa background sa bagong tab sa browser. Isang card sa iyong Brave News feed. O isang maliit na push notification. Iyon lang.
Walang ad sa page. Walang pre-roll o mid-roll na video ad. Walang pop-up. At iyong bagay kung saan sinusundan ka ng mga ad sa bawat site? Wala na iyon.
Ang Brave Ads ay hinding-hindi harap-harapan. Magagandang alok lang mula sa magagandang brand. Madaling mag-opt out, madaling i-dismiss, kahit kailan mo gusto.
Ano ang magagawa mo gamit ang BAT?
Halos kahit na ano! Kolektahin ito tulad ng frequent flyer points, at ipagpalit ito sa mga cash-value na gift card. Gamitin ito para mag-tip sa mga website at content creator. Mag-store at mag-swap tulad ng anupamang crypto asset sa iyong crypto wallet. Makatipid, makakuha ng interes, at magbayad gamit ang Gemini Earn at Gemini Pay. Bumili ng mga NFT. O gumawa ng mga in-app na pagbili sa mga Web3 DApp.
Ang BAT ay flexible, naililipat, at napakadaling gamitin.
Ano ang ibig sabihin ng pagbibigay ng tip?
Mas pinapahalagahan ng Brave ang privacy mo kaysa sa kita ng Big Tech, kaya bina-block nito ang mga hindi kanais-nais na ad na kinokolekta at nili-leak ang data mo. Ngunit paano ang mga website at content creator? Hindi ba sila kumikita dahil sa mga ad?
Hindi na. Direktang masusuportahan ng mga user ng Brave ang mga website at creator sa pamamagitan ng mga isang beses na tip o mga awtomatikong kontribusyon ng BAT. Sa pamamagitan ng pag-upgrade sa lumang modelo, ang Brave ay nagbibigay sa mga website at creator ng paraang kumita nang hindi naaantala ang kanilang content, at nang hindi inilalagay sa panganib ang privacy ng user.
Magsimula sa Brave Rewards
Kunin ang BravePagkatapos ng onboarding, i-click ang sa address bar ng Brave Browser para magsimula.
I-click ang sa address bar ng Brave Browser para magsimula.
Pagkatapos ng onboarding, i-tap ang sa address bar ng Brave Browser para magsimula.
I-tap ang sa address bar ng Brave Browser para magsimula.
Ang Brave Rewards ay limitado sa mga iOS device (alamin kung bakit). Para magsimula sa desktop o Android, i-click o i-tap ang sa address bar ng Brave Browser.
Mga FAQ
-
Hindi pinapalitan ng Brave Ads ang mga ad na bina-block ng Brave Browser sa mga web page. Sa halip, pribadong ipinapakita sa iyo ang Brave Ads, at direktang inihahatid ang mga ito mula sa browser—hinding-hindi lumalabas sa iyong device ang data mo.
Sa ngayon, may tatlong uri ng Brave Ads: mga naka-sponsor na larawan sa mga bagong tab sa browser; naka-sponsor na card sa Brave News feed; at mga hindi madalas na notification na lumalabas habang nagba-browse ka sa web.
-
Available ang Brave Rewards sa lahat ng desktop device (Linux, macOS, at Windows), at sa mga Android mobile device.
Sa iOS, magagamit lang ang Brave Rewards para suportahan ang mga creator. Alamin kung bakit.
-
Para i-enable ang Brave Rewards sa desktop o mobile, i-click o i-tap ang (icon ng BAT) sa address bar ng Brave Browser.
-
Sa ngayon, puwede kang makakuha ng Brave Rewards sa pamamagitan ng pag-enable sa Brave Ads. Malapit ka nang makakuha ng Brave Rewards sa pamamagitan ng paggamit sa Brave Swap Rewards sa Brave Wallet (kung saan ang mga user ng Brave Rewards ay kikita ng 20% $BAT rebate sa mga fee sa transaksyon sa Brave Swap).
-
Ang functionality ng gift card ay ibinibigay sa pamamagitan ng aming partnership sa TAP Network. May mga partikular na detalye na ibinibigay sa page ng marketplace ng Brave / TAP Network.
Puwede ring gamitin ang BAT para sa mga in-app na pagbili sa iba’t ibang Web3 application (DApps).
At, syempre, puwedeng gamitin ang BAT para i-tip ang mga website at creator na gustong-gusto mo, bilang mga isang beses na tip bilang mga awtomatiko at umuulit na kontribusyon.
-
Matatanggap mo ang iyong mga BAT reward kada buwan. Makikita mo ang iyong balanse ng BAT at ang iyong mga paparating na kita sa pamamagitan ng pag-click o pag-tap sa (icon ng BAT) sa address bar ng Brave Browser.
Para i-withdraw ang iyong BAT sa ecosystem ng Brave Rewards para ipapalit, o para gamitin sa iba pang secondary market at app, kakailanganin mong mag-verify bilang user ng Brave Rewards sa isa sa aming mga custodial partner. Gayunpaman, tandaan na kinakailangan lang ito kung gusto mong i-withdraw ang iyong BAT sa ecosystem ng Brave Rewards. Malaya kang kumita at mag-tip sa Brave Rewards nang hindi nagve-verify, at ito ang default na gawi para sa Brave Rewards.
-
Sa kasalukuyan, makikita ang Brave Ads sa tatlong lugar: bilang mga push notification, bilang mga sponsored card sa Brave News feed, at bilang mga sponsored image sa isang bagong tab ng browser.
*Naka-opt in ang mga push notification ad, at puwede kang mag-opt out anumang oras, alinman sa i-disable ang mga ito o sa ilagay ang frequency sa 0 sa mga setting ng Brave Rewards. Idinisenyo ang mga push notification ad para ipakita sa tamang oras, at naka-default na ipakita nang hindi lalampas sa 5 beses bawat oras. Puwede mong baguhin ito mula 1 hanggang 10 beses bawat oras, o i-turn off ang mga ito nang tuluyan.
- Naka-opt in ang Brave News feature, pero kung pagaganahin mo ito, magiging default ang Brave News ads. Sa puntong ito, hindi puwedeng i-disable ang mga ito at hindi mababago ang frequency ng mga ito.
- Lalalabas ang mga sponsored image sa mga bagong tab ng Brave Browser bilang default, pero puwede mong hindi paganahin ang mga ito (sa simpleng salita, mag-opt out sa mga ito) sa Mga Setting ng browser. Para magawa ito, I-customize mo ang page ng bagong tab, at i-toggle ang ipakita ang mga sponsored image. (Puwede kang makahanap ng katumbas na mga setting para huwag paganahin ang mga sponsored image sa iOS at Android sa menu ng mga settings ng browser.)
-
Ang isang content creator ay isang taong gumagawa ng kanyang sariling content sa iba pang platform, sa ilang sitwasyon, para sa mga subscriber, ngunit sa iba, para sa ganap na publikong audience. Kapag sinabing “mga platform” ang tinutukoy namin ay ang mga site tulad ng YouTube, Twitch, Instagram, at marami pa.
Sa pangkalahatan, ang isang publisher ay isang kumpanya o organisasyon na nagpa-publish ng kanilang sariling content sa kanilang sariling mga website. Kadalasan, ang mga publisher ay mga news outlet tulad ng New York Times o TechCrunch, ngunit hindi palagi.
Bagama’t ang parehong grupo ay puwedeng makabenepisyo sa pagbibigay ng tip sa Brave Rewards, partikular na kapaki-pakinabang ito para sa komunidad ng mga creator. Ang feature na Rewards ay nagbibigay-daan sa mga user ng Brave na suportahan mismo ang mga content creator, gamit ang BAT.
-
Puwedeng gamitin ng mga user ng Brave Rewards ang naipong BAT para mag-tip sa mga rehistradong content creator. Magagawa nila ito sa dalawang paraan: sa pamamagitan ng mga isang beses na tip, o bilang mga buwanang awtomatikong kontribusyon. Puwede kang matuto pa sa aming page ng instruction.
Puwedeng “i-redeem” ng mga rehistradong creator ang BAT na natanggap nila sa parehong paraan na magpapapalit sila para sa cash o iba pang crypto asset. Puwedeng gamitin ng mga content creator ang aming mga custodial wallet service partner para i-convert ang BAT na kinikita nila sa gusto nilang currency.
-
Ang Brave Ads ay hindi nangongolekta ng impormasyon tungkol sa iyo. Bagama’t ang pag-advertise ng Big Tech ay umaasa sa mga kumpanyang nangongolekta ng impormasyon tungkol sa iyo, at naglilipat ng data na iyon papunta sa kanilang mga server, sa pamamagitan ng Brave Rewards, direktang nangyayari sa iyong device ang pagtutugma ng ad. Hinding-hindi lumalabas sa iyong device ang aktibidad mo sa pag-browse.
Lokal na pumipili ang Brave Rewards kung aling mga pribadong ad ang ipapakita sa iyo batay sa iyong aktibidad sa pag-browse. Pagkatapos, gumagamit ang Brave ng anonymous na proseso sa accounting para magkumpirma ng aktibidad ng event ng ad, mapanatiling pribado ang mga personal na detalye, at matiyak na makakakuha ng reward ang mga tao para sa pagbibigay nila ng atensyon.
Ibig sabihin nito, bagama’t ang Brave Ads ay ipinapakita batay sa iyong aktibidad sa pag-browse, hindi nakikita ng Brave ang pagtutugmang ito: nangyayari lang ito sa device mo, at walang nakakarating na personal na data sa mga server ng Brave. Hindi alam ng Brave o ng mga advertiser kung sino ka o kung ano ang tinitingnan mo online.
-
Isinasapriyoridad ng Brave ang mga user, at ibig sabihin, direkta naming ibinabahagi sa mga user ang anumang kinikita namin sa ad. Ang buong 70% ng kinikita ng Brave sa pamamagitan ng mga hindi mapanghimasok na ad na nagpapanatili ng privacy ay direktang ibinabahagi pabalik sa mga user bilang Brave Rewards. Hinihikayat ng Brave ang mga user na magbahagi sa mga publisher at content creator ng porsyon ng kanilang mga kinikita, ngunit hindi ito kinakailangang gawin.
-
Available ang Brave Ads sa karamihan ng mga bansa, at patuloy kaming nagsisikap na makapagbigay ng suporta sa mas marami pang rehiyon.
-
Ang Brave Rewards ay nauugnay sa Brave Private Ads. Ang mga user ng Brave Browser na mag-o-opt in sa Brave Rewards ay makakakita ng mga ad na nagpapanatili ng privacy sa ilang partikular na lokasyon habang nagba-browse sila. Sa pamamagitan ng pag-view sa mga ad na ito, puwedeng makakuha ang mga user ng crypto token na tinatawag na Basic Attention Token (BAT).
Ang Brave Wallet ay isang tool na nagbibigay-daan sa iyong bumili, magpadala, at mag-swap ng halos kahit anong crypto asset o NFT, ikonekta ang iba pang wallet at Web3 DApp, at sa pangkalahatan, pamahalaan ang buong crypto portfolio mo. Puwede mong i-store sa Brave Wallet ang nakuha mong BAT sa Brave Rewards, pero bukod dito hindi konektado ang dalawang feature.
-
Kung may taong magbanggit sa Brave crypto, oo, malamang na Basic Attention Token (BAT) at / o Brave Rewards ang tinutukoy niya.