Naka-customize
Ang iyong paboritong content, mula sa pinakamahuhusay na source
Gumagawa ang Brave News ng nako-customize at up-to-date na news feed, na na-curate mula sa listahan ng mga source na napili mo. Daan-daang nangungunang publisher at RSS feed, blog, news outlet, magazine na naka-print at nasa web, at higit pa, sa maraming kategorya.

Maginhawa
Kinokolekta mismo sa iyong browser
Lahat ng balitang gusto mo, sa iisang feed. Magbukas lang ng tab sa Brave, mag-scroll pababa, at…iyon na! Awtomatikong nag-a-update ang feed sa buong araw.

Pribado
Hinding-hindi nagta-track
Hinding-hindi tina-track ng Brave News kung ano ang fina-follow, binabasa, o kini-click mo. Kinu-curate ang content batay sa mga napili mong source kung saan mo gustong makakita ng content, at walang data na lumalabas sa browser. Ito ang kauna-unahang pribadong reader ng balita sa industriya—at kasama rito ang lahat ng proteksyon sa privacy ng Brave Browser.

Mga FAQ
-
Madaling gamitin ang Brave News. Magbukas lang ng tab sa iyong browser, at mag-scroll pababa. Makakakita ka ng pangkalahatang feed ng content. Gusto ng mas naka-curate na view? I-tap lang ang I-customize.
-
Walang kailangang bayaran para magamit ang Brave News. Sa hinaharap, mag-aalok din kami ng may bayad na bersyong walang ad.
-
Oo. Available ang Brave News sa desktop (Windows, macOS, at Linux) at mga mobile device (Android at iOS)
-
Available ang mga news feed mula sa mahigit 300 pangunahing media outlet at source ng content, sa mga kategoryang pandaigdigang balita, negosyo at pananalapi, sports, fashion, lifestyle, entertainment, balita tungkol sa crypto, at higit pa. Para sa kumpletong listahan, magbukas ng tab sa Brave browser at i-click ang I-customize. Puwede ka ring magdagdag ng mga RSS feed mula sa iyong mga paboritong blogger, lokal na pahayagan, magazine tungkol sa partikular na interes, at anumang source na nagpa-publish ng content gamit ang RSS.
-
Nagku-curate ang Brave News sa pamamagitan ng ilang paraan, kabilang ang ayon sa petsa ng pag-publish ng content, at ayon sa mga kagustuhang pinili mo. Puwede ring mag-curate ang Brave News batay sa iyong history ng pag-browse, ngunit ginagawa ito sa anonymous na paraan, at sa device mo lang. Hindi tina-track ng Brave (o ng sinupaman) ang iyong history ng pag-browse o ang aktibidad sa feed mo.
Puwede kang magdagdag o mag-disable ng mga source—i-click lang ang I-customize sa tab ng browser. Kung wala kang makikitang source, tingnan kung may mga RSS feed na available para sa publko, na magbibigay sa iyo ng higit pang kontrol sa nakikita mo sa iyong feed.
-
Ang Brave News—tulad ng Brave Browser—ay ganap na pribado. Hindi nangongolekta ang Brave ng impormasyon tungkol sa iyo, mga paghahanap mo, o mga website na binibisita mo.
Sa partikular, ang iyong feed ng Brave News ay kinokolekta gamit ang isang bagong pribadong content delivery network (CDN). Walang alam ang CDN na ito tungkol sa iyo, sa fina-follow mo, o sa binabasa mo. Walang bakas ng data na maka-capture o mata-track ng kahit na sino, maging kami sa Brave. Ang Brave News reader ay lokal na nagra-rank ng mga kuwento (ibig sabihin, sa device mo lang), at gumagamit ito ng anonymous na algorithm na nagsusuri ng ilang salik, kabilang ang iyong history ng browser at petsa ng artikulo. Idinisenyo ito na tulungan kang tumuklas ng interesanteng bagong content sa buong araw habang iginagalang pa rin ang iyong privacy. Sa browser mo lang nangyayari ang lahat ng pagkatuto at pag-personalize. Hindi nakikita o sino-store ng Brave ang iyong data mula sa pag-browse—nananatili itong ganap na pribado sa iyong mga device, hanggang sa i-delete mo ito. Imposibleng maibenta o maiwala ng Brave ang iyong data, dahil una sa lahat ay hindi ito kinokolekta.
-
Ang Brave News ay sinusuportahan ng Brave Ads network. Sa iyong feed, posible kang makakita ng mga eksklusibong alok mula sa mga partner sa network na ito. Ang lahat ng ad ay anonymous, nagpapanatili ng privacy, at may malinaw na label. Malapit ka nang magkaroon ng mga opsyong kontrolin ang mga alok at pino-promote na content. Magkakaroon din kami ng opsyon para sa mga may bayad na news feed na walang ad. Ang mga ad ay inihahatid sa iyong browser gamit ang pribadong platform ng Brave para sa paghahatid ng ad, na isang anonymous na proseso ng accounting para makumpirma ang aktibidad ng event sa ad (tulad ng mga click), mapanatiling pribado ang mga personal na detalye, at matiyak na nakakatanggap ng Brave Rewards.
-
Ang Brave News ay sinusuportahan ng dalawang bagong resource: Mga Alok ng Brave at Pino-promote na Content. Nagpapakilala ang Mga Alok ng Brave ng bagong opsyon sa e-commerce para sa mga partner, at nagbibigay ito sa mga user ng bagong lubos na naka-curate na karanasan sa pamimili na may iba’t ibang pang-araw-araw na deal, teknolohiya, at mga pang-lifestyle na produkto mula sa buong web. Magtatampok sa feed ng Brave News ng mga pang-araw-araw na deal, eksklusibong diskwento, at alok mula sa mga affiliate na partner mula sa aming store ng Mga Alok ng Brave. Ang Pino-promote na Content ay ang pinakabagong idinagdag sa Brave Ads. Nagbibigay ito sa mga brand at media partner ng bagong unit para maayos na makapag-promote ng nauugnay na content sa mga Brave News reader. Ang Pino-promote na Content mula sa mga brand at media partner ay maayos na dadaloy sa karanasan sa Brave News at magbibigay ito sa mga reader ng nauugnay na content na posibleng hindi nila matuklasan.
Kapag ang isang user ay nag-click sa link sa Brave News, direktang nagfe-fetch ang Brave browser mula sa source ng content, para mapanatili ng mga publisher ang kanilang ugnayan sa mga reader sa kanilang sariling mga site, sa halip ng pagpilit sa pamamagitan ng isang pag-redirect (gaya ng ginagawa ng news.google.com), o pagpilit na mag-publish sa pamamagitan ng AMP proxy ng Google (sa mobile sa ngayon, malapit na sa lahat ng device) o ibang pinagmamay-ariang proxy. Tina-track ng mga pag-redirect at proxy na ito ang mga user at pinapababa nito ang halaga ng brand ng publisher at ang mga direktang ugnayan ng reader at publisher. Ang mga user ng Brave Rewards ay mayroon nang mga opsyon para sa direktang pagsuporta sa mga na-verify na publisher sa awtomatikong paraan at sa pamamagitan ng pagbibigay ng tip na BAT.