Mga banner ng pahintulot para sa pag-block ng nakakainis at nakakapinsala sa privacy na cookie


Update Hunyo 9, 2023: Inilalapat na ngayon ng Brave ang pag-block ng banner ng cookie bilang default. Isinagawa ang pagbabagong ito para maiwasan ang pagkalito at pagkadismaya ng user, at higit sa lahat ay tiyaking ibibigay ng Brave ang pinakamahuhusay na proteksyon para sa mga user bilang default. Maaaring i-disable ang pag-block ng banner ng pahintulot sa cookie sa desktop sa pamamagitan ng pag-uncheck sa “EasyList Cookie” sa brave://settings/shields/filters, at sa Android at iOS sa pamamagitan ng panel ng mga setting.


Ito ang ikadalawampu’t isang post isa isang patuloy at regular na serye na naglalarawan sa mga bago at paparating na feature sa privacy sa Brave. Inilalarawan ng post na ito ang isinagawa ni (nang magkakasunod ayon sa alpabeto): Filter List Engineer na si Ryan Brown, Principal Engineer na si Brian Johnson, Android Engineering Manager na si Deep Pandya, Senior Product Designer na si Agustín Ruiz, at iOS Privacy Engineer na si Jacob Sikorski. Isinulat ang post na ito ng Senior Director ng Privacy na si Peter Snyder.

Maraming Abiso sa Cookie Walang Abiso sa Cookie

Simula sa kasalukuyang Brave Nightly, at sa bersyong 1.45 kapag nag-release ito sa Oktubre, iba-block ng Brave browser ang mga notification ng pahintulot sa cookie sa Android at Desktop (at, pagkatapos, sa iOS). Ang mga notification ng pahintulot sa cookie ay nakakasama at halos palaging kinaiinisan sa Web. Sinisira at ginugulo nito ang mga pangunahing benepisyo ng Web: ang kakayahang mag-browse ng content sa maraming site at publisher nang walang kahirap-hirap at madali. At, ang kakatwa, maraming system ng pahintulot sa cookie ang sumusubaybay sa mga user sa katunayan, ipinapasok ang eksaktong pinsala na dapat ay maiiwasan ng mga system ng pahintulot.

Ang mga bagong bersyon ng Brave ay magtatago—at, kung posible, tuluyang magba-block—ng mga notification ng pahintulot sa cookie. Ang paraan ng Brave ay natatangi at mas nagpapanatili ng privacy kaysa sa mga katulad na system na ginagamit sa iba pang browser (tulad ng mga system ng “awtomatikong pahintulot” na ginagamit sa iba pang browser), at pinapanatiling binibigyang-priyoridad ng Web ang user.

Screenshot ng Dialog ng Pahintulot sa Pag-block ng Cookie

Sa simula, tatanungin ka ng Brave browser kung gusto mong i-block ang mga banner ng cookie. Kung pipiliin mong i-enable ang feature na ito, magda-download ang Brave ng set ng mga panuntunan na idinisenyo para mag-block at magtago ng mga notification ng pahintulot sa cookie. Magsisimulang maglapat ang browser ng mga panuntunan nang mabilis hangga’t maaari, sa loob ng isang minuto o mas maikli pagkatapos i-enable ang feature sa karamihan ng mga device.

Screenshot ng Opsyon ng Dialog ng Pahintulot sa Pag-block ng Cookie sa Mga Setting ng Brave

Kung mapipili mong hindi i-enable ang pag-block sa banner ng cookie banner nang hindi sinasadya (o na-enable mo ito pero nagbago ang isip mo), maaari mong i-update ang setting anumang oras. Bumisita lang sa brave://settings/shields/filters sa Brave browser at i-enable / i-disable ang opsyong EasyList-Cookie List.

Tandaan: Kung hindi ka ipo-prompt na mag-block ng mga dialog ng cookie, posibleng kailanganin mong i-restart ang iyong browser at mag-update sa bersyong 1.45 ng Brave.

Paghahambing sa iba pang system

May ilang paraan kung paano sinusubukan ng mga browser at extension na mag-block ng mga banner ng cookie. Mina-maximize ng paraan ng Brave ang benepisyo sa privacy para sa mga user, habang nagba-block pa rin ng mas maraming banner at annoyance hangga’t posible.

Sa pangkalahatan, may dalawang karaniwang paraan para mag-block ng mga banner ng cookie.

Ang isang paraan (na ginagamit ng Brave) ay ang mag-block ng mga banner ng cookie, at magtago at magbago ng mga page para alisin ang anumang karagdagang annoyance na kasama ng mga naturang system (tulad ng mga overlay, pagpigil sa pag-scroll, atbp.). Maaaring i-configure ang iba pang tool sa privacy sa Web (tulad ng uBlock Origin) para magamit ang parehong paraang ito. Nagbibigay ang paraang ito ng mga pinakamalakas na garantiya sa privacy: hindi ito nangangailangan ng pagtitiwalang pahahalagahan ng mga system ng pahintulot sa cookie ang desisyon mo, at pinipigilan nito ang iyong browser na mangailangang makipag-ugnayan sa mga system na sumusubaybay sa pahintulot.

Ang isa pang paraan ay magtiwala at gumamit ng mga banner ng cookie. Sa halip na i-block ang mga system na ito (tulad ng ginagawa ng Brave), ino-automate ng alternatibong paraang ito ang proseso ng pag-click sa “hindi” sa mga system ng banner ng cookie. Bagama’t posibleng mabawasan ng paraang ito ang bilang ng mga cookie na ipinapadala at ang pangkalahatang nuisance ng mga banner, nire-record pa rin nito ang iyong mga kagustuhan sa mga provider ng banner ng cookie. Dahil dito, kakailanganin ng browser o extension na hilingin sa provider ng banner ng cookie na tigilan ka. Sa kasamaang-palad, nalaman ng mga mananaliksik na sinusubaybayan pa rin ng maraming system ng cookie at pahintulot ang mga tao, kahit na tanggihan ng mga user ang lahat ng cookie.

Kinakailangan ng paraan ng Brave sa pag-block sa mga banner ng cookie ang Brave na manatiling mas handa sa mga trackers at kumpanyang nagpapatakbo sa (may nakakakilabot na pamagat) “mga system sa pamamahala ng pahintulot.1” Nananatiling mas handa ang Brave sa mga tracker sa ilang paraan, kabilang ang pagsuporta sa mga crowd-sourced na listahan ng filter tulad ng EasyList, at pagsasagawa ng pananaliksik para matulungan ang mga tagapagsulong ng privacy na manatiling mas handa sa mga tracker

Sa kasamaang-palad, isinusulong ng Google ang mga pagbabago sa Web na magpapahirap sa pag-block sa mga banner ng cookie at, sa pangkalahatan, sa pag-filter sa hindi gustong content sa Web (tulad ng mga nakakasagabal na larawan, video, ad, at script sa pagsubaybay). Gamit ang iminumungkahi ng Google na WebBundles, halimbawa, mas magiging madali para sa mga site na iwasan ang mga blocker ng content. Inaalis ng kanilang mga pagbabago sa Manifest v3 ang mahahalagang kakayahan mula sa mga extension sa browser na nagpoprotekta sa privacy. At ang maraming aspeto ng lumalaganap na mungkahi ng Google Privacy Sandbox ay magbibigay sa mga user ng mas kaunting kontrol sa pangkalahatan–at sa mga site ng mas maraming kontrol–sa kung paano ginagamit at nararanasan ng mga tao ang Web.

Kakatwa na ang mga banner ng cookie (isang annoyance sa Web na iniiwasan sa pangkalahatan) ay nagpapakita i) ng natatanging demokratiko at nagbibigay-priyoridad sa user na platform ng Web, at ii) kung ano ang mawawala kung patuloy na isasagawa ng Web ang ipinapagawa rito ng Google.

Binuo ang Web para maging bukas. Sa isang banda, maganda iyon: Nangangahulugan ito na ang mga tool sa Web na nagpoprotekta sa privacy tulad ng Brave ay maaaring kumilos sa ngalan ng mga user, at protektahan sila mula sa mga pang-aabuso at annoyance sa Web. Sa kabilang banda, hina-highlight ng mga banner ng cookie kung ano ang hindi magandang kahihinatnan ng Web kung magtatagumpay ang Google (at iba pa) sa pagpapahina sa kakayahan ng mga user na i-block ang mga naturang annoyance.


  1. Tinatawag minsan na “mga system ng pamamahala sa kagustuhan”. ↩︎