Brave Playlist

Gumawa ng mga playlist ng mga content na gusto mo, direkta sa iyong browser. Magdagdag ng media at mag-playback anumang oras, kahit saan.

Kahit pa offline ang device mo.

Brave Playlist mobile screenshot

Mga offline na playlist—sa mismong browser mo

Sa Playlist ng Brave, maaari kang gumawa ng mga playlist ng mga content na gusto mo, direkta sa iyong browser. Mag-play anumang oras, kahit saan. Kahit offline.

Madaling playback

Background listening o kontrol sa lockscreen. Kailangan mo bang maghanap ng isang bagay habang nakikinig ka sa iyong playlist? Walang problema. Ang content ng Brave Playlist ay patuloy na magpe-play kahit lumipat ka ng tab, o kahit lumipat ka sa ibang app.

Maaari mo pang kontrolin ang playback mula sa lockscreen ng iyong telepono.

Brave Playlist Hero Image

Mag-Premium…

para libre.

Lahat ng content sa Playlist ng Brave ay magpe-play ng walang ads. Walang pre-roll ads. Walang mid-roll ads. Walang mga ads sa pahina. Para kang premium user …pero libre.

Madaling idagdag ang iyong

paboritong content.

Kayang hawakan ng Playlist ng Brave ang musika, video, podcasts, at iba pa.

I-tap lang ang icon na Playlist icon sa iyong telepono at madadagdag ang content mo. Walang ad at handa kahit saan ka magpunta, kahit anong cell o Wi-Fi signal.

Handa ka na bang subukan ang Playlist?

Pumunta sa isang pahina (tulad ng YouTube) na may media content na gusto mong idagdag, at i-tap ang Playlist icon na lilitaw sa address bar ng Brave browser.

I-download ang Brave

Handa ka na bang subukan ang Playlist? I-download lang ang Brave sa iyong iOS device at mag-navigate sa isang page (tulad ng YouTube) na may media content na gusto mong idagdag. Pagkatapos ay i-tap ang icon na Playlist icon na makikita sa address bar ng browser.

FAQ

Ano ang ibig sabihin ng background play?

Sa Playlist ng Brave, ang media na idinagdag mo ay maaaring i-play sa background. Ibig sabihin nito ang musika, video, o podcast sa iyong playlist ay magpapatuloy sa pag-play, kahit lumipat ka sa ibang tab sa Brave, o mag-toggle sa ibang app o window sa iyong device. Ang content sa Playlist ay magpapatuloy sa pag-play kahit walang apps sa foreground at, kung nasa mobile ka, maaaring kontrolin mula sa lockscreen ng iyong telepono.

Kailangan ko bang magbayad upang magamit ang Brave Playlist?

Ang Playlist ng Brave ay isang libreng feature. I-download lang ang browser ng Brave, mag-navigate sa isang page na may media content na gusto mong idagdag at i-tap ang lalabas na icon na Playlist icon.

Maaari ko bang panatilihin ang mga musika, video, o podcast files na idinagdag ko sa isang playlist?

Ang mga audio o video files ay maaaring idagdag sa isang playlist sa Brave browser, at i-playback kapag wala kang koneksyon sa Internet. Gayunpaman, ang mga file ay hindi maaaring i-download o ilipat sa isang hiwalay na device.

Ano ang mga format na sinusuportahan ng Playlist ng Brave?

Sinusuportahan ng Playlist ng Brave ang karamihan sa mga bukas na Web standards. Gayunpaman, hindi nito kasalukuyang sinusuportahan ang Digital Rights Management (DRM) protected na content o mga serbisyo ng media delivery (hal. Spotify).

Ano ang mga suportadong device para sa Playlist ng Brave?

Gumagana ang Brave Playlist sa mga Apple iPhone at iPad (na gumagamit ng iOS 15 at mas bago). Malapit nang maging available ito sa Android at desktop na mga device.

Paano gumagana ang offline na pag-playback?

Kapag nagdagdag ka ng content sa iyong playlist, gagawin ni Brave na magagamit ang content na iyon para sa offline playback. Partikular, ang video o audio file ay idinaragdag sa iyong device sa isang format na magagamit lamang ng Brave Media Player.

Gagamit ba ng storage space ng aking device ang content sa isang playlist?

Oo, ang content na idinagdag sa isang playlist ay gagamit ng local storage space sa iyong device. Tandaan na ang mga audio / video file sa isang playlist ay naa-access lamang sa Brave browser, at ang mga file na ito ay maaaring tanggalin anumang oras.

Maaari ko bang ma-access ang content sa aking playlist kung i-uninstall ko ang Brave browser?

Hindi, ang mga audio / video file ay naa-access lamang sa Brave browser. Kung ide-delete mo ang browser ng Brave, hindi mo na maa-access ang content sa isang playlist.

Gumagamit ba ng data ang pagdaragdag ng media sa isang playlist?

Depende. Kung nakakonekta ka sa Wi-Fi, kung gayon ang pagdaragdag ng content sa isang playlist ay hindi gagamit ng mobile data. Gayunpaman, kung hindi ka nakakonekta sa Wi-Fi, ang pagdaragdag ng content sa isang playlist ay gagamit ng mobile data. Kapag idinagdag na ang content sa isang playlist, magagamit na ito para sa offline na paggamit, at sa gayon hindi gagamit ng Wi-Fi o mobile data sa panahon ng playback.

Sinusuportahan ba ng Apple CarPlay ang Playlist?

Para sa Apple CarPlay, puwede mong isaksak ang iyong iPhone sa iyong kotse, i-tap ang icon ng Brave sa touchscreen ng iyong kotse at pakinggan ang playlist sa pamamagitan ng Apple CarPlay habang nasa kalsada.