Ano’ng bago sa Brave?

Isang mabilis na pagtingin sa ikinasasabik naming pinakabagong mga feature.

Browser

Subukan ang Brave Leo sa desktop

Ipinapakilala ang Brave Leo, ang magaling na AI assistant na nasa loob mismo ng browser. Naghahanap ka man ng impormasyon, sumusubok na lumutas ng problema, o humihingi ng mga transcript ng video transcript o interactive na buod ng artikulo, makakatulong ang Leo.

Hindi ginagamit para sa pagsasanay ang mga chat sa Leo, at walang makakakita sa mga pag-uusap mo. Sa Leo, magkakaroon ka ng magandang karanasan sa AI at walang kapantay na privacy.

Handa ka na bang subukan ang Leo? Magsimula lang mag-type sa address bar ng Brave at piliin ang “magtanong sa Leo” mula sa mga suhestyon. O buksan ang sidebar at i-click ang Brave Leo sidebar icon.

Ang Brave Leo ay libre para sa lahat ng user ng desktop. Gusto pa ng access sa mas maraming model at mas mabibilis na sagot? Mag-upgrade sa Leo Premium.

Brave Leo sa desktop Matuto pa tungkol sa Brave Leo.


Browser

Speedreader ng Brave

Gusto mo bang gawing mas madali…at mas mabilis ang pagbabasa ng content online?

Makakatulong ang feature na Speedreader ng Brave sa dalawang bagay na iyon, sa pamamagitan ng awtomatikong pag-aalis ng mga hindi mahalagang element sa webpage. Isa itong malinis at epektibong paraan para magbasa, makuha ang kailangan mo, at magpatuloy sa araw mo.

Gusto mo bang subukan ang speedreader? Magbukas lang ng artikulo sa Brave, at i-click ang icon ng speedreader Brave speedreader icon na lalabas sa tabi ng URL sa address bar.

Speedreader

VPN

Gamitin ang Brave VPN sa desktop

Ine-encrypt at pinoprotektahan ng Brave VPN ang kahit na anong gawin mo online, maging sa labas ng browser ng Brave. Iyon ay sa bawat app, sa iyong buong device. Ngayon, maaari mong protektahan ang hanggang 5 device sa isang subscription, sa desktop, Android, at iOS.

Para magsimula sa desktop, i-tap lang ang icon ng VPN na lilitaw sa address bar. Para makapagsimula sa mobile, buksan ang Settings ng Brave at i-toggle ang VPN sa On.

Matuto pa tungkol sa Brave VPN.


Privacy

Pag-block sa abiso para sa pahintulot ng Cookie

Alam mo iyong mga nakakainis na mga abiso para pahintulutan ang cookie na lumilitaw tuwing bumibisita ka sa bagong website? Maaaring i-hide ng mga bagong bersyon ng Brave—at kung maaari—ganap na iba-block ang mga ito. Mag-update lang sa pinakabagong bersyon ng Brave.

Kung makakaligtaan mo ang prompt na mag-block ng mga pahintulot sa cookie sa unang pagkakataon, puwede mong bisitahin ang brave://settings/shields/filters at walang kahirap-hirap na i-enable / i-disable ang opsyong EasyList-Cookie List.

Tingnan ang lahat ng note sa release
brave mobile graphic

Brave Browser para sa mobile

Ang Brave ay available bilang isang mabilis, libre, at secure na web browser para sa iyong mga mobile device. May kasama itong built-in na ad blocker na humahadlang sa tracking, at naka-optimize para sa mobile data at pagtitipid sa baterya. Kunin ang Brave Browser (mobile) para sa Android o iOS.

close

Malapit na…

60 segundo lang para magkaroon ka ng pinakamahigpit na privacy online

Kung hindi awtomatikong nagsimula ang iyong download, .

  1. I-download ang Brave

  2. Patakbuhin ang installer

  3. I-import ang mga setting

Kailangan ng tulong?

Makakuha ng mas mahigpit na privacy. Kahit saan!

I-download ang Brave mobile para sa privacy na on the go.

Download QR code