Brave Wallet
Ligtas na multi-chain crypto wallet. Walang kinakailangang extension.
I-download ang BravePagkatapos ng onboarding, i-click ang sa toolbar para magsimula.
I-click ang sa toolbar para makapagsimula. Hindi ito makita? I-click ang I-update sa toolbar para sa pinakabagong bersyon ng Brave.
Pagkatapos ng onboarding, i-tap ang menu sa browser, at i-tap ang para magsimula.
I-tap ang browser menu, at i-tap ang para makapagsimula. Hindi ito makita? Mag-update sa pinakabagong bersyon ng Brave sa Play Store App Store.
Secure bilang default
Ang Brave Wallet ay ang kauna-unahang secure na crypto wallet na naka-built in mismo sa browser. Walang kailangang extension, walang karagdagang hakbang. Ibig sabihin, hindi gaanong vulnerable sa mga pekeng bersyon ng app, phishing, at pagnanakaw.
Pinasimple ang multi-chain
Bumili, magpadala, mag-store, at mag-swap ng libo-libong asset (at mga NFT) nang seamless sa 100+ blockchain network kabilang ang Ethereum, Solana, Filecoin, at marami pang iba.
Masulit pa ang iyong wallet
Bumili ng crypto na may fiat gamit ang mga on-ramp. Subaybayan ang performance ng mga top coin sa market gamit ang mga feed ng presyo at mga ranking sa market na pinapatakbo ng CoinGecko. At makita ang iyong mga NFT sa gallery view. Lahat sa Brave Wallet.
-
Kumonekta sa Web3
Tuklasin ang Web3 nang walang abala. Ang mga decentralized app (DApp) ay sinusuportahan sa Solana, Ethereum, at dose-dosenang network na compatible sa EVM.
-
Mag-import ng iba pang wallet
Mga Metamask at self-custody wallet, o ang mga hardware wallet tulad ng Trezor at Ledger (hindi kailangan ng Ledger Live).
-
Privacy muna
Hindi tulad sa ibang mga wallet, hindi tina-track ng Brave ang alinman sa mga pagkilos na ginagawa mo sa wallet mo. Sa Brave, unang priyoridad ang privacy.
Kumusta ang Brave Wallet kumpara sa iba?
Mga feature
Browser native (walang ida-download na extension)
Suporta sa NFT
Available sa desktop at mobile
Suporta sa Ledger at Trezor *
Bumili, mag-store, magpadala, at kumonekta sa mga DApp sa Solana
Bumili, mag-store, magpadala, at kumonekta sa mga DApp sa Ethereum at mga EVM chain
Bumili, mag-store, at magpadala ng FIL sa Filecoin chain *
Integrated na DEX aggregator para sa mga pag-swap ng token sa Solana
Integrated na DEX aggregator para sa mga pag-swap ng token sa Ethereum at mga EVM chain
Libreng lisensya
Data sa market ng crypto
* Desktop lang, malapit nang magkaroon ng suporta sa mobile.
Subukan ang Brave Wallet ngayon
I-download ang BravePagkatapos ng onboarding, i-click ang sa toolbar para magsimula.
I-click ang sa toolbar para magsimula. Hindi ito makita? I-click ang I-update sa toolbar para sa pinakabagong bersyon ng Brave.
Pagkatapos ng onboarding, i-tap ang menu sa browser, at i-tap ang para magsimula.
I-tap ang menu sa browser, at i-tap ang para magsimula. Hindi ito makita? Mag-update sa pinakabagong bersyon ng Brave sa Play Store App Store.
Mga FAQ tungkol sa Brave Wallet
-
Seguridad: Karamihang browser extension ang mga crypto wallet. May kaakibat na mga panganib sa seguridad ang mga extension na ito, at mas suseptibo sa account spoofing at asset theft. Nangangailangan din ang mga extension ng dagdag na CPU para gumana, na siyang magpapatakbo sa device mo. Sa kabilang banda, native sa browser ang Brave Wallet. Sa Brave Wallet, mas kakaunti ang tsansa ng panganib sa account spoofing, phishing, at iba pang scam. Ilang CPU lang ang kinakailangan para gumana ito at mas mahusay at maaasahan. Multi-chain: Maaaring bumili ang mga user ng Brave wallet, tumanggap, at magpadala ng mga crypto asset sa iba’t ibang chain, kabilang na ang Ethereum, EVM compatible chain, at Solana. Puwede mo ring ikonekta ang iba pang self-custody o hardware wallet, panoorin ang live market data, at i-manage ang lahat ng portfolio mo sa isang lugar. Puwede ring magpalit ng mga asset ang mga holders ng Ethereum, Polygon, Binance Smart Chain, Avalanche, Celo, at Optimism at gamitin ang Web3 DApps (paparating na para sa mga holder ng Solana).
-
Oo, kailangan mo ang pribadong browser ng Brave para magamit ang Brave Wallet. I-download ngayon.
-
Oo, libreng-libre na gamitin ang Brave Wallet. Gayunpaman, ang mga transaksyon (tulad ng mga pagpapadala o pag-swap) ay mangangailangan ng mga gas fee, at posibleng may karagdagang fee sa transaksyon ang mga pag-swap. Ang mga fee na ito ay katulad ng—o pareho sa—iba pang crypto wallet.
-
Para magsimula sa Brave Wallet sa desktop, buksan ang Brave Browser at i-click ang icon na sa toolbar. Para magsimula sa Brave Wallet sa mobile, buksan ang menu sa browser at pagkatapos ay i-tap ang icon na .
Kung hindi mo nakikita ang icon na wallet, mag-update muna sa pinakabagong bersyon ng Brave.
-
Sinusuportahan ng Brave Wallet ang Ethereum, mga EVM compatible na chain at L2, Filecoin, at Solana. Puwedeng isagawa ang mga Brave Swap sa Avalanche, Binance Smart Chain, Celo, Fantom, Optimism, at Polygon.
-
Oo. Hindi gaya ng iba pang wallet, ang Brave Wallet ay ginawa na may libreng lisensya sa MPL. Ibig sabihin, malaya ang iba na gamitin at i-fork ito, at mag-ambag dito.
-
Ang Brave Wallet ay available sa desktop at mobile, na may mga kinakailangan sa pagpapatakbo na pareho sa Brave Browser.
Tandaan na ang mga inisyal na bersyon ng Wallet sa mobile ay posibleng hindi sumusuporta sa mga DApp o mga custom na network (na compatible sa EVM) . Gayunpaman, ia-update namin ang Wallet para sa mobile nang paunti-unti at malapit na itong maging pareho, kaya balikan ito nang madalas.
Tandaan din na ang biometrics (fingerprint) para buksan ang Brave Wallet ay sinusuportahan sa iOS, at sa Android 9 (P) at mas bago.
-
Sa ngayon, hindi available para sa Brave Wallet ang pag-sync sa pagitan ng mga device. Gayunpaman, umaasa kaming malapit nang maging available ang functionality na pag-sync. Bumalik para sa higit pang impormasyon.
-
Ang Brave Rewards ay nauugnay sa Brave Private Ads. Ang mga user ng Brave Browser na mag-o-opt in sa Brave Rewards ay makakakita ng mga nagpapanatili ng privacy, first-party na ad sa ilang partikular na lokasyon habang nagba-browse sila. Sa pamamagitan ng pag-view sa mga ad na ito, puwedeng makakuha ang mga user ng crypto token na tinatawag na Basic Attention Token (BAT).
Ang Brave Wallet ay isang tool na nagbibigay-daan sa iyong bumili, mag-store, magpadala, at mag-swap ng halos kahit anong crypto asset at NFT, ikonekta ang iba pang wallet at Web3 DApp, at sa pangkalahatan, pamahalaan ang buong crypto portfolio mo. Hindi ka puwedeng direktang mag-transfer ng Brave Rewards sa Brave Wallet. Gayunpaman, puwede mong ilipat ang mga pondo ng Brave Rewards sa Uphold, Gemini, o BitFlyer at saka mag-withdraw doon papunta sa Brave Wallet.
-
Ang naunang crypto wallet ng Brave ay isang fork ng MetaMask. Ang bagong Brave Wallet ay ginawa mismo ng engineering team ng Brave, at ginawang built-in sa Brave Browser.
-
Hindi available ang Brave Wallet bilang extension sa browser. Walang plano ang Brave na gumawa ng wallet na extension, kaya kung may makikita kang ganito, dapat mo itong ituring na mapanloko at hindi mo dapat ito i-download o i-install.